Posted on

MANOK-PANSABONG: MULA ITLOG HANGGANG SABUNGAN (IKALAWANG EDISYON)

Sa mga nag pre-order po ng 2nd edition ng Manok-Pansabong: Mula Itlog Hanggang Sabungan at sa iba pang gustong kumuha nito, eto po ang pinakamalamang na cover design nya.

Gusto ko lang po ipaalam sa lahat na may tutulong na po sa akin para sa wakas ay maipaimprenta ito. ito po ay ang Black Rooster Inc., ang gumagawa ng mga de-kalidad na produktong pang manok-pansabong gaya ng VITALITY DFM, POWERCARB, PRIME UP, HOLDING SERUM, SUPERCELL, BRI LIPOTROPIC at DELTA TPS.

Nagpapasalamat po ako sa Black Rooster sa tiwala at sa paniniwalang may magagawa ang librong ito para lalo pang mamayagpag itong ating industriya.

Sa inyo rin po, maraming maraming salamat sa paghintay at pagtiwala. Kaunting panahon na lang po, makakapagpaimprenta na tayo!

Posted on

WALA NANG IBA: VITALITY DFM!

VITALITY DFM – tamang tama sa anumang edad, anumang estado ng manok-pansabong. Protina? May 42%. Tanong: eh ano ngayon?

Hindi ito basta protina. Ito ay protinang napakadaling tunawin ng manok kaya nagagamit niya nang husto. Kaya naman kahit 10 gramo lamang ng VITALITY DFM ang ihalo sa isang kilong patuka, kitang kita ang epekto nito sa manok. May titipid pa ba rito?

Basahin nating mabuti: 10 gramong VITALITY DFM sa bawat 1 kilong patuka (1% ang inihahalo) kumpara sa iba, na 100 gramo ang kailangang ihalo sa isang kilong patuka (10% ang inihahalo) para makita ang epekto – imposible? Hindi, dahil Black Rooster ang may gawa nito. Para kasi sa Black Rooster, dapat, KAYO ANG BIDA!

Ano ba ang nagagawa ng VITALITY DFM? Katiting na pagtaas ng bahagdan ng protina ng patuka. Wala magagawang mabuti? Kabaligtaran. Ang katiting na pagtaas na ito ay maihahalintulad natin sa 2% na pagtaas ng bahagdan kung epekto at epekto sa manok ang pag-uusapan. Ibig sabihin, pinagaganda ng VITALITY DFM ang kalidad ng patuka. Kaya naman kahit ordinaryong patuka, nagiging karapat-dapat para sa manok natin.

Posted on

PROTINA BA ‘IKA ‘NYO?

Isa sa pinakamahahalagang mga sustansiya na kailangan ng manok natin, mula sisiw hanggang materyal. Pero kalimitan, kulang sa kailangan ng manok ang nakukuha niya sa patuka.

Maraming dahilan kung bakit minsan ay hindi tugma ang nasa tarheta sa totoong bahagdan ng protina sa patuka. Kalimitan, pangangasiwa ng patuka ang dahilan nito. Minsan din naman, hindi akma ang patukang ibinibigay natin sa talagang pangangailangan ng manok.

Kaya naman ginawan ng BLACK ROOSTER INC. ng mahusay na paraan ang ganitong problema. Narito na, ang VITALITY DFM! Kung protina at protina rin lang ang pag-uusapan, 42% ito! At hindi lang basta 42% – NAPAKATAAS NA KLASENG 42%!

Karamihan sa mga suplementong protina, sampung porsyento (10%) ng dami ng patuka ang kailangang ihalo – kung isang kilo ang patuka, 100 gramo ang kailangang idagdag. Sa VITALITY DFM, isang porsyento (1%) lang! Sampung gramo (10 grams) lang ang idadagdag sa bawat isang kilong patuka. May titipid pa ba rito?

Pagdating sa epekto sa manok, garantisado. Ito kasi ang tatak ng BLACK ROOSTER – KALIDAD! Saan pa ba tayo?