Engr. Sonny Lagon: A Good Man with a Good Heart

“It's a combination of everything.” - Engr. Sonny Lagon

1492
Engr. Sonny Lagon
(Photo: Chicken Talk)

Seven years old ako nang ma-in-love sa pag-aalaga ng manok-pansabong. Dahil kay tatay, noon ‘yung mga bloodline na alam ko lang ay ‘yung kay Frank Shy (Narragansett), Red Quill at ‘yung Duke Hulsey Grey.

Taong 1990, nakita ko ‘yung picture ng Blue Blade Game Farm. Hindi ko matandaan kung sa Fighting Cock Magazine ko siya nakita. Newbie noon si Engr. Sonny Lagon sa larangan ng sport. Sabi ko ang tindi ng mga manok nito; bata pero matibay ‘yung mga Sweaters niya.

Inidolo ko si Engr. Sonny Lagon nung time na ‘yun hindi lang sa larangan ng pagmamanok kundi isa rin siyang engineer.

Nung time na nasa college na ako taking up Civil Engineering course, sa mga magazine at dyaryo lang ako nagkakaroon ng time makibalita tungkol sa standing niya sa mga derby hanggang maging multi-awarded champion breeder siya.

Siyempre fan ako ni Engr. Sonny Lagon.

Nangarap din ako na makita ko siya nang personal pero walang pagkakataon.

Hanggang isang araw, March 3, 2014, ‘yung idol ko na-meet ko rin nang personal. Ang masaya nito, sa gitna pa ng meeting sa office namin ko na-meet ang idol ko na si Engr. Sonny Lagon, presidente siya ng SLL Cable Specialist.

Sabi ko sa boss ko, “Wait lang po bago tayo mag-start ng meeting. Idol ko po kasi si Engr. Sonny Lagon. Champion breeder siya.” Long story short, kinuhanan kami ng picture ng boss ko na si Ginoong Toti.

Dave Warren Evangeslista and Engr. Sonny Lagon (right) – Cavite, March 3, 2014

Akala ko hanggang doon lang ‘yung pagkikita namin ng idol ko pero hindi pala. Naulit ‘yun this time naman sa Blue Blade Game Farm niya ako in-invite:

“Paano po papunta dun?”

“May susundo sa inyo.”

“Nakakahiya po.”

“Hindi Dave. I-meet ninyo si Coy.” (Later on naging kaibigan ko si Coy.)

And ‘yun nasa Blue Blade Game Farm na kami kasama ko ‘yung mga anak ko na in-love na rin sa pag-aalaga ng manok.

Inilibot kami ni Cocoy doon sa farm and maya-maya tumawag si Engr. Sonny.

Kinausap ako sa phone at may regalo raw siya sa mga anak ko:

My sons Lance Aldwin and Darwin Aldous Evangelista

“Okay na po ito, ang makarating sa farm.”

“Hindi Dave, okay lang ‘yan.”

My eldest son Darwin Aldous Evangelista and the Blue Blade trio given by Engr. Sonny L. Lagon

Binigyan niya ng trio ang mga anak ko. Sobrang saya talaga naming mag-a-ama. Doon ko rin nakausap ‘yung mga kasama niya sa farm at doon ko rin napag-alaman kung gaano kabait si Engr. Sonny Lagon sa mga kasama niya.

My two sons Darwin and Lance, Coy (wearing black t-shirt) and the Blue Blade Team (2014)

Akala ko tapos na…

Taong 2015, na-invite uli ako ni Engr. Sonny Lagon sa Blue Blade Game Farm. May shoot siya – Thunderbird Bexan XP. (Pwedeng mapanood sa YouTube.)

Nandoon kami maghapon. Grabe… Ang hindi ko makalimutan sa kanya ay noong sinabi niya, “Dave, mamili ka na ng manok. Sabi ko, “Kabibigay niyo lang po sa mga anak ko.” Sabi niya, “Dave manok lang ‘yan. Keep in touch.”

Trio uli and door-to-door uli ako pag-uwi.

Mabuting tao talaga si Engr. Sonny Lagon kaya naman multi-awarded siya, champion breeder at idol sa larangan ng sport natin.

Noong 2017 World Pitmasters Cup, invited uli ako ni Engr. Sonny Lagon. Ang tindi nun. First time kong makapanood ng international derby ng live.

Sobrang saya ko talaga. Hindi maipaliwanag ‘yung mga araw na ‘yun.

Mabuting tao talaga si Engr. Sonny Lagon. Hindi siya nakakalimot.

May isa akong gusto na sinabi ni Engr. Sonny Lagon para maging champion breeder. “It’s a combination of everything.”

Share your thoughts in the comments.