Ang mga Sabungero Ayon sa mga Pag-Aaral

248

Alam mo ba na may mga isinagawang pag-aaral tungkol sa pagkakakilanlan ng mga sabungero?

Noong 1974, ang mga sociology professor na sina William C. Capel ng Clemson University at Clifton Bryant ng Virginia Polytechnical University ay kapwang sinaliksik at iniakda ang kung tawagin ay “The Clemson Report,” gayundin ang pagkakakilanlan ng mga sabungero noong 1991.

Napag-alaman nila na, “Ang mga sumasali sa sabong ay hindi nagpapakita ng anumang bahid ng psychological abnormalities. … Walang pagkakaiba sa pag-uugali ang mga taong sumasali sa sabong at sa mga hindi sumasali rito. At sa katunayan ay walang senyales ng anumang psychotic behavior na makikita sa kanila. … “Ang mga sumasali sa larong ito ay konserbatibo, maalaga sa kalusugan at outdoor life, sadyang makabayan, sumusunod sa batas at kaayusan.”

Dagdag pa ni Professor Bryant, “Karamihan ay middle-class, mula sa maliliit na bayan at bansa, kasal, nananatiling kasal, madalas magpunta sa simbahan at mga beterano.”

Kung ating susuriin, may katotohan ang nasabing pag-aaral.

Sa Pilipinas, may mga sabungero sa alin mang antas ng lipunan. May sabungerong naging senador, kongresista, mayor, konsehal, at iba pang mga nagtatrabaho sa gobyerno. Meron ding abogado, doktor, inhinyero at mandaragat. May mga magsasaka, mangingisda at marami pang iba.

Marahil ay may mga grupong iba kung ilarawan ang isang tipikal na sabungero. May ilan na ang tingin sa sabungero ay basagulero, babaero, sugarol, walang pinag-aralan, walang modo, manyak, at kung anu-ano pang salitang hindi makain ng aso.

Ito ay taliwas sa aking karanasan sa pakikisalamuha sa mga sabungero.

Dahil karamihan sa aking kakilalang sabungero ay maginoo at hindi bastos.

Iyan ang hubad na katotohanan.

Paano mo ilarawan ang iyong sarili bilang isang sabungero?

Share your thoughts in the comments.