TEKSAS Libre! – TUNAY NA ATIN

The New Men's Lifestyle Magazine

181
Teksas Libre! Magazine

Kapag tiningnan natin ang mga magasin tungkol sa manok-pansabong ngayon, paunti nang paunti ang mababasa tungkol mismo sa pagmamanok. Kalimitan, sa tao (breeder) nakatuon ang pansin.

Sabagay, maraming nagpapalahi ang sumikat dahil sa nilathalang mga kuwento tungkol sa kanila. Wala namang problema rito – maganda nga dahil nagkakaroon tayo ng mga idolong gusto nating tularan.

Sa TEKSAS Libre!, ibabalik natin sa manok at sa pagmamanok ang pokus. At siyempre, sa mga pangyayaring may kinalaman sa pagmamanok at sa sabong. Hindi natin maiiwasang maglabas tayo ng mga artikulo tungkol sa mga personalidad, pero mas bibigyang pansin natin kung ano ang ginagawa o programa nila na may kinalaman sa industriya natin.

Naniniwala ang mga nasa likod ng TEKSAS Libre! na ang lalo pang ikauunlad ng industriya ng manok-pansabong ay nakasalalay sa pag-unlad ng hindi lamang iilan kundi ng lahat ng may kinalaman dito – tayo yun!

Share your thoughts in the comments.