PANAHON AT PANGINGITLOG

1423
RA Superfly Gamefarm's imported Spangled Penny Hatch broodhen. Jim Bryant line. From Atty. Ryan Abrenica's good friend Frank Ash. Power, Gameness, Pedigree. Old Solid Lines Are Back.

Nasa edad na naman ang mga dumalaga. Ang mga inahin, tila handang handa na. Pero bakit ayaw pa nilang mangitlog?

Ang hipo ng katawan nila, tamang tama na. Tumatanggap na rin sila ng tatyaw. Wala rin namang sakit na puwedeng pumigil sa kanila para mangitlog. Nasaan ang problema?

Panahon. Bago mag Disyembre noong nakaraang taon, lumamig na. Dahil laging makulimlim, tila lalong umikli ang araw – e kailangan ng manok ang mahabang araw para siya mangitlog. Isa pa, mahangin.

Resulta? Imbis na sa pangingitlog magamit, sa paglaban ng inahin sa lamig ng panahon napupunta ang maraming enerhiyang nakukuha niya sa patuka. Dahil maikli ang araw, dinidikta ng sistema na kanyang katawan na huwag mangitlog.

Ano ang gagawin? Una, ilawan natin ang mga inahin para makumpleto ang 16 oras na kailangan nila. Dahil malamig ang panahon, dagdagan natin ang enerhiya ng patuka. Haluan natin ng mga 5 porsiyentong dilaw na mais ang breeder pellet na ibinibigay natin. At siyempre, protektahan natin sila sa hangin.

Share your thoughts in the comments.