ISTASYON NG MANOK

1096
Isang maliit na sobrang inbred na tandang sa palahian ni Vice Mayor Ronald Ong, na malaki lang nang konti sa kapares na inahin

May nagtanong ng ganito, na hindi na masasagot dahil nung babasahin ko siya ay Facebook User na lang ang nakalagay:

– Dok gud pm meron po ako 7/8 dangrey 1/8 melsims 3 times winner kaso maliit sya gusto ko sya e bredd ano magandang gawin para tjmangkad ang anak at ma e balik ko sa kanya par a ma line breed ko pwede po ba tnk u and god bless ..merry xmas –

Tatlo po ang pwedeng dahilan kung bakit maliit ang nabanggit na manok – linebred siya, galing siya sa mga unang itlog ng pullet o sadyang maliit ang tatay at nanay niya kahit hindi inbred ang mga ito.

Kung linebred ang manok, hindi gasinong problema ang pagiging maliit niya dahil epekto ito ng inbreeding pero nasa dugo pa rin niya ang normal na sukat ng kanyang lahi.

Para sigurado, pili tayo ng inahin o dumalaga na malaki/matangkad at ito ang ipares natin sa kanya.

Kalimitan kasi, pangkaraniwan o average ng istasyon ng ganador at inahin ang nagiging istasyon ng anak. Hindi lahat ng mga anak ay ganito, kaya pipili tayo sa mga babaeng anak para ipares uli sa kanya para pataasin ang bahagdan ng dugo niya sa anak niya.

Share your thoughts in the comments.