KAHIT ANO BASTA MAGALING, PWEDENG I-LINEBREED?

1523

Tanong ng marami sa atin. Lalo na kapag hindi tayo sigurado sa linyada ng manok at di natin alam kung saan talaga nanggaling.

Sitwasyon ng maraming backyard breeder. Tuloy, tuwing magtatanong, ang sasabihin ay “backyard breeder lang po”. Huwag po nating abahin ang sarili natin dahil maliitan lang ang pagmamanok natin. Tandaan natin, kung may tsansa sila, may tsansa rin tayo!

Kung ikukumpara sa malakihan, ‘di hamak na mas kilala natin ang mga manok natin kaysa sa kanila. Dahil dito at dahil sa kaalaman natin sa pagmamanok, “lang” pa rin ba tayo?

Madaling mag-linebreed kapag “puro” ang manok, pero hindi kailangang puro ang manok para mai-linebreed ito. Paano?

Ganun din, pili tayo ng anak niya na kaitsura niya, at ipares sa kanya. Katulad ng ibang linebreeding, 3/4 din ang magiging dugo niya sa mga anak nila. Yun nga lang, baka lumabas na iba-iba kulay ng mga ito.

Dito mahalaga ang pagpili – pagpili para unti-unting maging pareparehas ang itsura ng mga palahing linebred habang tumataas ang bahagdan ng dugo ng manok natin sa mga anak niya. Maaaring mas mahabang panahon at patityaga ang kailangan, pero magagawa.

Share your thoughts in the comments.