HILIG SA MANOK

328

Sinasabi, isport ng mga lalaki, kaya naman kapag may mga pagtitipon o kaganapan, puro panlalaki ang ginagawang panghalina lalo na ng malalaking mga kumpanya na sa manok-pansabong nakatuon ang negosyo.

Dati. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nagbabago ang eksena ng pagmamanok. Marami nang mga babae ang pumasok at naging matagumpay sa larangang ito. Huwag na nating banggitin si Robie Yu Panis ng Firebird Gamefarm!

Dati, maraming misis ang nagagalit kay mister dahil sa pagmamanok o pagsasabong. Ngayon, maraming misis ang sumusuporta kay mister, natutuwa dahil ito ang kanyang hilig at dibersyon.

Bakit? Nakatutuwang malaman na maraming sabungero ang disiplinado pagdating sa pera. Mas nakatutuwang isipin na unti-unti nang sinasamahan ng negosyo ang pagmamanok – nagsasabong ang magmamanok hindi para sumugal kundi para subukan ang kanyang palahi at makilala ng kapwa magmamanok. Kasi nga, dito magsisimula ang magagandang bagay na puwedeng mangyari kapag napatunayang super ang kanyang mga palahi.

Sa aspetong ito natutuwa si misis. Maliban sa nailalayo sa hindi maganda si mister, nagiging hanapbuhay pa kinalaunan. May mga misis nga, kalaunan ay kasama na rin mismo sa pag-alaga ng mga manok!

Share your thoughts in the comments.