YELLOW LEGGED HATCH NA GREEN LEGGED?

2838
RA Superfly Gamefarm's battle tested Harold Brown Hatch Grey being prepared for another derby. Power, Substance, Cut...

Kailan lang ay naging mainit ang usapin sa isang post sa Facebook tungkol sa litrato ng isa umano ay Yellow Legged Hatch, pero sa litrato ay berde ang paa niya. Puwede ba ito?

Tingnan muna natin ang lahi ng manok – Yellow Legged Hatch. Paano naging berde ang paa ng isang Yellow Legged Hatch? Hatch siya, kaya malamang na may dark leg color sa dugo niya.

Pero throwback lang dapat ang berdeng paa, dahil sadyang pinili ang Yellow Legged Hatch para maging dilaw ang paa. Paminsan minsan lang dapat lumalabas ito. Kahit sa mga kasalukuyang gumagamit ng Yellow Legged Hatch sa pagpapalahi nila, dapat yung kulay dilaw ang paa ang pipiliin nila lalo na kung pambenta ang mga ito.

Hindi sinasabing iba ang dugo ng throwback na berde ang paa – kaparehas ito. Pero mas magandang pansariling gamit na lang natin ito.

Kung ako ang bibili, hindi ako papayag na berde ang paa ng makukuha kong Yellow Legged Hatch, kahit sabihin ng breeder na tunay ito, dahil throwback. Kung ano dapat ang itsura ng lahing bibilhin ko, yun mismo ang dapat makuha ko. Yellow legged nga e – bakit naging berde?

Dito mahalaga ang breeding record. Kailangang malaman natin kung totoo ang binibili natin o hindi. Puwede kasing ang Yellow Legged Hatch ay hinaluan ng breeder ng ibang Hatch – oo nga’t Hatch pa rin ang palahi, pero hindi na ito totoong Yellow Legged Hatch!

Tayo rin mismo, dapat nirirekord natin ang pagpapalahi natin para nababalikan natin ang detalye ng lahi ng bawat manok natin.

Kaya nga talagang isinama natin sa BREEDMASTER manual ang tungkol sa pagrekord ng pagpapalahi. Kung seryoso tayo sa ginagawa natin, sisimulan na natin ito para tukuy na tukoy natin ang kanunununuan ng bawat palahi natin.

Share your thoughts in the comments.