Palagi ko pong sinasabi: HINDI LANG MANOK DAPAT ANG MASAYA – PATI RIN MAGMAMANOK! Alam naman nating ang tinutukoy ko ay gastusin sa pagmamanok.

Kaya naman naging pangarap ko na ang maranasan nating lahat na makahinga nang maluwag-luwag sa pagkakaroon ng kalidad na medyo mura. Hindi naman puwedeng super mura, dahil alam naman nating negosyo ito, na hindi magandang pasukin kung sa simula pa lang ay alam mo nang lugi ka.

Sa akin po, sapat nang mababa kahit kaunti lamang kaysa karamihan ang ginagamit natin, BASTA’T SIGURADO TAYONG KUNG HINDI KAPANTAY AY LAMANG ITO SA IBA PAGDATING SA KALIDAD. Kasi nga, gusto nating baliin ang nakasanayan na natin na kung gusto nating mahusay, kailangang magbayad tayo nang mas malaki.

Pagdating po sa kalidad ng mga inihahanda natin, pangalan ko po mismo ang itinataya ko. Ako po mismo at si Dok Dexter Palis ang nag-aasikaso sa mga bagay-bagay na may kinalaman dito, para masiguradong kapag tinangkilik nyo ay hindi kayo agrabyado.

Abang-abang lang po tayo, at hindi magtatagal sa sasabihin ko na ito. Dahil ang DOC ANDREW’S, malapit na pong umarangkada…HAVE A NICE COCKING DAY!

Share your thoughts in the comments.