Maraming salamat po sa lahat ng kumuha ng kopya ng libro nating LIHIM: SA PAGBUO NG SARILING LINYADA! Ilang kopya na lang po, at masisimulan na nating asikasuhin ang tatlo pang titulong gusto rin natin mailabas ngayong 2017 – Manok-Pansabong: Mula Itlog Hanggang Sabungan (ikalawang edisyon), Starting a Game Farm at Game Chicken Breeding: Crossbreeding.

Kailangan lang po maubos muna ang Lihim: Sa Pagbuo ng Sariling Linyada bago natin mapabilis ang pag-asikaso ng iba pang mga librong ilalabas natin.

Siyempre po, lahat nang ito ay ginagawa natin para lalo pang umunlad ang pagmamanok natin – ito po ang pangarap ko para sa ating lahat, para talagang mapatunayan natin sa buong mundo na kung manok-pansabong ang pag-uusapan, PILIPINAS ‘yan!

Maraming salamat po!

Share your thoughts in the comments.